Ang Maaari Nating Gawin Tungkol sa ICE

Nasa Bay Area ang ICE. At oo, may magagawa tayong lahat tungkol dito.

Ang Maaari Nating Gawin Tungkol sa ICE
A volunteer with the “Adopt a Corner” program hands out cards with resources for undocumented workers outside of a busy gas station in Petaluma where day laborers gather on Friday, Sept. 12, 2025. (COYOTE Media Collective)

Dito sa Bay Area, alam natin na sa panahon ng kahirapan, nagdadamayan ang ating mga komunidad. Lahat ay may lakas, lahat ay may tungkulin. Malinaw sa kasaysayan: hindi tayo inililigtas ng gobyerno. Tayo mismo ang nagliligtas sa ating sarili.

Habang abala ang pamahalaang pederal sa pagbibigay-kapangyarihan sa ICE upang maging isang di-opisyal na puwersang militar na maaaring kumuha ng mga tao mula sa ating mga lansangan, ang Bay Area naman ay nag-oorganisa. Hindi tayo magpapasupil. Ang mga komunidad ay pinalalakas, nagkakaisa, at handang tumulong at ipagtanggol ang ating mga kababayan.

Kaugnay nito, binuo ng COYOTE ang isang patuloy na lumalawak na listahan ng mga mapagkukunan at mga payo para sa mga imigrante at kanilang mga kakampi — para sa panahong ito at sa mga mahihirap pang panahong darating.

Maglalathala kami ng mga bagong salin ng gabay na ito kapag handa na. Para sa mga mapagkukunan sa wikang Espanyol, tingnan ang El Tecolote. (Mayroon ding bersyong Vietnamese.)


Paano Maghanda

Isaisip o isulat ang mga mahahalagang numero ng telepono para sa:

  • Mga miyembro ng pamilya
  • Numero ng konsulado ng iyong bansa para sa mga emerhensiya
  • Legal na tulong sakaling ikaw ay ma-detain

Gumawa ng plano para sa mga batang nasa iyong pangangalaga at ibahagi ito sa iba sa iyong komunidad.

Kung mayroon ka, laging dalhin ang iyong balidong work permit o green card at ang iyong U.S. ID o lisensiya sa pagmamaneho.

Huwag magdala ng mga pekeng dokumento.


Kung makita mo sila sa inyong lugar

Tumawag sa lokal na rapid response network. Itago ang kanilang numero sa iyong telepono.


Kung Pumunta Sila sa Iyong Bahay

Alamin ang iyong mga karapatan

  • Hindi mo kailangang buksan ang pinto.
  • Humingi ng tagasalin kung hindi ka marunong mag-Ingles at hindi marunong ng iyong wika ang mga ahente ng ICE.
  • Hindi mo kailangang sumagot sa mga tanong. Lahat ng nasa tirahan ay may karapatang manahimik.
  • Kung susubukan nilang pumasok o maghalughog, maaari mong sabihin, “Hindi ako pumapayag dito. Umalis po kayo."

Tiyakin ang kanilang pagkakakilanlan

  • Kung sabihin nilang sila ay “pulis,” humingi ng kanilang pagkakakilanlan.
  • Dapat may warrant na pirmado ng hukom bago makapasok ang mga ahente ng ICE. Dapat nakasaad dito ang pangalan ng taong nakatira sa iyong tirahan, tama ang petsa, at walang maling baybay. Hilingin na ipasok nila ang warrant sa ilalim ng pinto.

Kung ligtas gawin, at hindi ito makakahadlang sa kanilang imbestigasyon, maaari kang mag-video, kumuha ng litrato, o magtala ng obserbasyon habang sila ay nasa loob.


Kung Ikaw ay Ma-detain

  • May karapatan kang tumawag sa telepono.
  • Huwag pipirma sa anumang papeles nang hindi muna kumokonsulta sa abogado. Paulit-ulit at agad na humingi ng abogado.
  • Huwag pag-usapan ang iyong katayuang imigrasyon, lugar ng kapanganakan, o kung paano ka pumasok sa U.S.

Para sa mga hindi direktang nanganganib ma-detain o ma-deport, narito ang mga paraan upang makatulong:

Makipag-ugnayan sa iyong mga kapitbahay

Suportahan ang mga negosyong pagmamay-ari ng mga imigrante

  • Patuloy na mamili sa mga lugar na sumusuporta sa mga komunidad ng imigrante.
  • Bilhin ang mga paninda ng mga nagtitinda sa kalye upang makauwi na sila nang maaga.

Kung ikaw ay may-ari o tagapamahala ng negosyo

  • May karapatan kang tumangging maglingkod sa mga ahente ng ICE.
  • Lagyan ng karatulang “Pribado: Huwag Pumasok” ang kahit isang silid upang maprotektahan ang mga empleyado at kostumer.

Maging saksi

  • May karapatan kang kumuha ng video at litrato sa mga aksyon ng ICE. Panatilihin ang ligtas na distansya at tiyaking makuha ang badge, mukha, at plaka ng sasakyan.

Panagutin ang mga opisyal

  • Tawagan ang iyong alkalde at mga miyembro ng konseho at tanungin kung paano nila planong tumugon sa presensya ng ICE sa kanilang mga nasasakupan. Maraming lungsod sa Bay Area — kabilang ang San Francisco, Oakland, Berkeley, Emeryville, Hayward, at San Jose — ay mga Sanctuary Cities, ibig sabihin ay ipinagbabawal sa mga kawani ng lungsod ang paggamit ng mga pondo o kagamitan upang tumulong sa pagpapatupad ng pederal na batas sa imigrasyon. May kapangyarihan silang papanagutin ang ICE sa kanilang mga taktika.
    • Ang pananahimik ng mga halal na opisyal ay hindi katanggap-tanggap. Ipaalam sa kanila na aalalahanin mo ang kanilang mga ginawa o hindi ginawa, sa susunod na halalan.

Itago ang mga numerong iyon. Alamin ang iyong mga karapatan. Alalayan ang iyong mga kapitbahay.

Totoo ang mga banta, ngunit totoo rin ang ating kapangyarihan. Umaasa ang ICE sa takot at pag-iisang-tabi. Maaari nating labanan ito sa pamamagitan ng paghahanda at pagkakaisa.

Hindi ito ang una nating laban at tiyak na hindi rin ito ang huli. Tara na!

Ang artikulong ito ay bahagi ng service journalism series ng COYOTE. Dahil ito ay impormasyong pampubliko para sa kaligtasan ng lahat, hindi namin ito inilalagay sa likod ng paywall.

Great! You’ve successfully signed up.

Welcome back! You've successfully signed in.

You've successfully subscribed to COYOTE.

Success! Check your email for magic link to sign-in.

Success! Your billing info has been updated.

Your billing was not updated.